Default Thumbnail

No. 10 ‘rapist’ sa Ecija, kalaboso

May 16, 2023 Steve A. Gosuico 273 views

CABIAO, Nueva Ecija – Dinakip ng pulisya ang isang pinaghihinalaang “rapist” na sinasabing no. 10 sa talaan ng “most wanted person” (MWP) ng bayang ito sa isang manhunt operation dito nitong Lunes.

Ayon kay police head Major Gerald G. Fernandez, ang suspek ay isang 41-anyos na construction worker at inaresto sa bisa ng arrrest warrant para sa kasong statutory rape na ipinalabas ni Judge Mildred S. Villaroman-Hernal ng Gapan City Regional Trial Court Branch 35 nitong Marso 6, 2023.

Ayon kay Fernandez, sinilbi ng tauhan niya ang arrest warrant sa tirahan ng suspek bandang alas-10 ng umaga, Mayo 15.

Dagdag pa ng opisyal na walang inilagak na piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

AUTHOR PROFILE