Default Thumbnail

No. 1 MWP sa ‘rape’ huli sa Binangonan

May 30, 2023 Jojo C. Magsombol 179 views

KAMPO M/HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal – Arestado ng magkasanib na puwersa ng mga otoridad sa Binangonan, Rizal ang isang tinaguriang no. 1 “most wanted person” (MWP) sa kasong “rape” sa Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) nang ihain ang warrant of arrest ayon kay Chief Public Information Office Police Captain Mariesol E. Tactaquin.

Ayon sa ulat ni Rizal PPO (Police Provincial Office), Provincial Director, Police Colonel Dominic L. Baccay kay Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Carlito Malapit Gaces, ang akusado ay isang 45-anyos na naninirahan sa Binangonan, Rizal.

Nagsagawa ng operasyon ang Regional Intelligence Team-Regional Intelligence Division (RIT/RID) 4A, Rizal Team at warrant personnel ng Binangonan Municipal Police Station (MPS) dakong alas-4 ng hapon ng Mayo 27 kung saan ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa nasabing kaso na isinampa at walang inirekomendang piyansa.

Pinaalalahanan naman ang akusado ng kanyang karapatan at kasalukuyang nakapiit sa Binangonan Custodial Facility para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

Pinuri ni Baccay ang mga kapulisan sa isinagawang matagumpay na manhunt operation sa akusado na matagal na nagtago sa batas.

AUTHOR PROFILE