Francisco

No. 1 MWP sa Antique timbog

September 8, 2022 Jonjon Reyes 245 views

DAHIL sa pinamalas ng mga kapulisan sa Libertad Antique, pinuri ng bagong upong regional director ng Western Visayas Region 6 na si Police Brigadier General Leo “Paco” Francisco sa kanilang pagkakaaresto ng no. 1 “most wanted person” (MWP) sa nasabing rehiyon.

Bandang 9:05 ng umaga nitong Setyembre 6 nang arestuhin ang suspek sa Barangay Maramig, Libertad sa Antique.

Inihain sa akusado ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Josefina Fulo Muego ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 13, Culasi, Antique sa kasong paglabag sa Section 5 (b), Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse Exploitation and Discrimanation Act) na may petsang Agosto 25, 2022 at may piyansang P180,000.

Ayon kay Francisco, layunin niya na maging maayos at mapayapa ang pamumuhay ng mga naninirahan sa region 6, Western Visayas.

Aniya, buo ang kanilang pagsuporta sa programa ni PNP (Philippine National Police) Chief P/Gen. Rodolfo S. Azurin Jr. na “Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran” (MKK = K).

AUTHOR PROFILE