Default Thumbnail

No. 1 MWP na ex-pulis timbog sa Sta. Ana

November 16, 2022 Jonjon Reyes 331 views

ISANG dating alagad ng batas na tinuturing na no. 1 “most wanted person” (MWP) sa patong-patong na kaso ng homicide ang nalambat ng mga dating kabarong pulis sa San Andres Bukid, Maynila Martes ng hapon.

Ang suspek ay dating patrolman na pulis na residente ng Onyx Street, San Andres Bukid.

Ayon sa ulat ni P/Lt Col. Orlando Mirando Jr., commander ng Manila Police District (MPD) Sta. Ana Police Station 6, bandang 3:20 ng hapon nang mamataan ang MWP sa kahabaan ng Onyx St. sa San Andres Bukid.

Sa direktiba na rin Mirando, inaresto ni P/Maj. Geuel Capuz at apat na kasamahan nito ang suspek na dating pulis katuwang si P/Lt. Renato Ramento, hepe ng Station Warrant Section at mga tauhan nito.

Inihain sa suspek ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Christian Emmanuel Pimentel ng Regional Trial Court Branch 30 dahil sa kasong homicide at tatlo pang bilang ng frustrated homicide na may petsang Nobyembre 11, 2022.

Ang suspek ay numero unong wanted sa district level ng Sta. Ana Police Station.

Dahil sa pinaiiral ang “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO), agad na umaksyon ang mga kapulisan na kung saan pinasalamatan ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon.

AUTHOR PROFILE