Suspect Inasiste ni PCpl. Christian Joseph Pineda (kaliwa) ang suspek na si Hong Ji Xu , alyas “K” na top 1 most wanted person matapos masakote. Kuha ni Jon-jon Reyes

No. 1 MWP na Chinese nat’l timbog sa murder

March 23, 2022 Jonjon Reyes 190 views

PASOK sa selda ng Manila Police District (MPD) ang isang 29-anyos na Chinese national matapos maaresto sa Guiguinto, Bulacan, Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco, director ng MPD ang suspek na si Hong Ji Xu, alyas “K” na top 1 most wanted person (MWP) ng MPD.

Batay sa ulat nina P/Maj. Rommel Anicete, hepe ng MPD-Criminal Investigation Section at P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Homicide Section, kabilang si P/Maj. Alfredo Tan Jr., hepe ng District Warrant and Subpoena Section at ilang tauhan nito na nagtungo sa kuta ng suspek sa tulong na rin ng isang impormante, kasama si Det. Christian Joseph Pineda.

Dala ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa kasong paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code (murder) na walang piysansa na inisyu ni Judge Maria Lina Nieva S. Casals ng Regional Trial Court Branch 45.

Pasado alas-9:00 ng gabi, Marso 22, nang arestuhin ang Chinese national sa tinutuluyang bahay nito sa Mira Verde Subdivision, Phase 2, Guiguinto sa Bulacan.

Sangkot ang suspek sa krimen noong July 13, 2020 matapos mabaril ang kanyang kababayang si Chen Wen Dun, 50, na agad ikinamatay ng biktima dalhil lamang sa away-negosyo.

Agad naman pinasalamatan ni MPD Director PBGen. Francisco ang mga kapulisan dahil sa matagumpay na operasyon at pagkakahuli sa suspek. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE