Niño nagsalita na: Our family has suffered so much…
Pormal nang naghain ng reklamo si Sandro Muhlach sa National Bureau of Investigation (NBI).
Base sa ulat ng “24 Oras” nitong Biyernes, kinumpirma umano ng NBI mismo ang pagtungo ni Sandro sa tanggapan nila kasama ang ama nitong si Niño Muhlach.
Hindi na pinangalanan pa ng NBI kung sino ang dalawang tao na inirereklamo at humiling daw ng privacy ang mag-amang Muhlach.
Nagpahatid naman ng maikling text message si Sandro sa GMA hinggil sa nararamdaman niya ngayon.
Ayon sa text ni Sandro, hindi siya okay pero kakayanin daw niya.
Nauna rito ay inireklamo ni Sandro sa GMA ang dalawang “independent contractors” ng network na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Ayon sa Kapuso channel, kasalukuyan na nilang iniimbestigahan ang kaso at tiniyak na magiging patas sila sa isinasagawang imbestigasyon.
Samantala, sa Facebook post ni Niño nitong Biyernes ng gabi ay nagpasalamat ang dating child wonder sa lahat ng suportang natatanggap nila.
Humiling din siya sa netizens ng dasal para bigyan sila ng tapang at tibay na makayanan ang lahat para makamit ang hustisya.
“Our family has suffered so much because of the unspeakable and vile acts done to our son. We ask for your prayers to help us muster enough strength and courage to withstand the horror of re
living the dastardly acts of the perpetrators as we seek justice through our legal system.
“Thank you for all your support and kind words and your gracious gift of space. We truly appreciate it,” pahayag ni Niño.
COCO DEDMA SA PAG-ALIS NI IVANA
Inamin ni Coco Martin na ikinalungkot niya ang pag-alis ni Ivana Alawi sa “FPJ’s Batang Quiapo.”
Ayon sa aktor/direktor sa panayam ng ABS-CBN, matagal din nilang nakasama si Ivana at parang pamilya na ang turing nila rito.
“Malungkot, kasi ano, eh, s’yempre, tagal din namin nakasama si Ivana. Almost one year. Kumbaga, parang pamilya na ‘yung turing namin sa kanya tapos napakabait niya, eh,” sey ni Coco.
Aniya pa, wala na siyang nagawa nang kinailangan nang magpaalam ng leading lady dahil hindi na kaya ng schedule nito.
Originally nga kasi, ayon na rin kay Ivana, three months lang talaga dapat ang appearance niya sa serye pero na-extend nang na-extend.
“Hindi naman namin akalain na gaganda nang gaganda ‘yung role at ‘yung kwento namin. Eh, humaba na nang humaba. Siyempre, nakakalimutan namin, si Ivana marami siyang mga ano, eh, may mga commitments, eh. May mga show pa siya gagawin, may vlog siya. Kaya nu;ng inano na niya, kailangan na niya magpaalam, wala naman akong magawa,” ani Coco.
Sa last taping day nga raw ng aktres ay hindi nila talaga pinag-usapan ang tungkol sa pag-alis nito.
“Hindi nga kami nag-uusap. Kasi ayokong pag-usapan na about sa pag-alis. Nag-uusap kami as a normal. Ayoko kasing ano, ayokong… Basta ano kami, normal, masaya, nagtatawanan lang kami. Kanina, nagbibiruan nga kami do;n sa take eh,” aniya.
Bilang artista rin ay naiintindihan niya ang rason ni Ivana sa pag-alis sa show, na may mga ibang commitment itong dapat gawin.
“Naiintindihan ko siya, kasi artista rin ako, eh. ‘Di ba, may mga commitments ka na kailangan mong gampanan at baka mamaya magka-problema. Sabi ko nga, eh, kaya naman namin ito, sanay na kami d’yan. Nu’ng ‘Probinsyano’ pa, marami nang ganitong mga cases na nangyari, kaya ako sobra akong nagpapasalamat sa kanya,” he said.
“Sobrang laki na ng naiambag ni Ivana sa show. Sobra-sobra ‘yung karakter ni Bubbles, and then ang hinihingi ko lang, sana nag-enjoy s’ya. At sana wag s’ya magsawa na makatrabaho ulit ako,” saad pa ni Coco.