Nino

Niño isinugod sa ospital dahil sa namagang tigyawat

April 12, 2024 Vinia Vivar 96 views

Okay na si Niño Muhlach matapos isugod sa ospital habang nagti-taping ng FPJ’S Batang Quiapo dahil sa namamagang pimple.

Sa kanyang Facebook page ipinost ni Onin ang video habang isinusugod siya sa ospital.

“Guys ‘andito ako ngayon sa kotse kasunod sa ambulansiya kasi nagso-shooting kami ng Batang Quiapo sobrang sakit na ng ilong ko dahil may tigyawat sa loob dito (sabay-turo sa ilong). Ayan, namamaga na, o. Kaya pupunta kami ngayon ng hospital para pa-inject ‘yung tigyawat sa loob,” sabi ni Onin.

“Wala na, sobrang sakit talaga. Hindi ko na kayang mag-dialogue saka hindi na ako makaarte nang maayos sa sobrang sakit talaga kaya ngayon pupunta kami ng skin clinic,” patuloy niya.

Makikita nga sa unahan ng kanyang sinasakyan ang isang ambulansya na aniya ay mula sa produksyon.

“Ambulansya namin ‘yan sa shooting,” sambit niya.

Pagkatapos ng ilang oras ay muling nag-post si Onin at sinabing nakabalik na rin siya sa taping which means okay na siya.

Makikita sa post ng aktor ang larawan nila ng bida ng FPJBQ na si Coco Martin with Ivana Alawi.

“Guys nakabalik na po ako dito sa shooting namin ng BQ thank you po Dra. Ortiz & Paul Ed Ortiz of Ortiz skin clinic,” pahayag ni Onin.

AUTHOR PROFILE