Nikko Natividad

NIKKO, NA-MISS MA-BURN-OUT

March 25, 2023 People's Tonight 322 views

Isa sa leading men ni Yassi Pressman si Nikko Natividad sa sitcom na Kurdapya ng Viva Entertainment at TV5.

Ayon sa aktor, big challenge sa kanya ang magpakilig dahil lagi lang daw siyang supporting role in his previous projects.

“’Yun nga po ‘yung nakaka-challenge sa akin, ‘yung magpakilig pala. Kasi nasanay ako na laging nasa gilid ng bida, tinutulungan ko siya du’n sa partner niya. ‘Eto, ibang Nikko po ang mapapanood n’yo sa akin,” sey ni Nikko sa mediacon ng Kurdapya.

Happy ang aktor na simula nang lumipat siya sa Viva Artists Agency (VAA) ay sunud-sunod na ang kanyang mga proyekto.

Two years din daw siyang natengga noong pandemic at talagang ibinuhos lang niya sa kanyang pamilya ang oras niya that time.

“Sa tagal kong natengga nu’ng pandemic, then, nawalan ng work nu’ng pandemic, sobrang na-miss ko ‘yung ma-burn-out, ‘yung talagang nagpapatung-patong ‘yung work.

“Kasi, nu’ng time naman na pandemic, puro family time, talagang ibinuhos ko sa anak ko, sa wife, na vacation lahat.

“So, ngayon, priority ko, makapag-work talaga,” ani Nikko.

Vinia Vivar

AUTHOR PROFILE