MPK2

Nico, tampok sa ‘Magpakailanman’

July 22, 2021 People's Tonight 296 views

Bidang-bida si Nico Antonio sa fresh episode ng GMA weekly drama anthology na Magpakailanman bukas, Sabado, July 24, 8 p.m., na From Russia With Love: The Eric Baylosis/Anna Rabtsun Baylosis Story.

Tungkol ito sa kuwento ng isang simpleng Pinoy na napaibig ang isang Russian model.

Ang appearance ni Nico sa #MPK ay unang pagkakataon niyang mapanood sa screen mula sa simula ng kuwento hanggang sa katapusan.

“Mahirap pala. Not just physically but also mentally and psychologically. Matindi ang pressure and kailangan always on your toes. No room for mistakes,” aniya.

Sa sobrang tuwa, naluha nga raw siya nang mabasa ang script.

“First time ever na nangyari sa akin ‘yung ganito. Kaya I am very grateful sa GMA for this opportunity,” rason ng aktor.

Lalabas na misis niya sa kuwento si Max Collins habang si Don Michael Perez naman ang director ng episode.

Sa ngayon, nasa lock-in taping nang isang buwan si Nico para sa isang bagong series na hindi pa niya puwedeng sabihin ang title.

Freelance artist si Nico sa ilalim ng management nina Becky at Katrina Aguila pero labis ang kanyang pasasalamat sa Star Magic at ABS-CBN na nag-develop sa kanyang talent bilang aktor.

AUTHOR PROFILE