Nico Antonio

Nico, bibida sa Disney + Korean series na ‘Big Bet’

December 10, 2022 Ian F. Fariñas 146 views

KABOGERO ang aktor na si Nico Antonio, anak ng lady produ na si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films, dahil talagang makikipagsabayan siya sa mga beteranong Korean actor sa upcoming Korean action series na Big Bet na ipapalabas worldwide simula December 21 sa Disney+.

Hindi matatawaran ang co-stars ni Nico dahil dalawa rito ay naging bahagi rin ng worldwide Netflix award-winning hit na Squid Game.

Nariyan sina Choi Min Sik (Old Boy), Son Suk-ku (The Outlaws 2), Lee Dong-hwi (The Extreme Job), Heo Sung-tae at Kim Joo-ryung (Squid Game).

Ang Big Bet original series ay umiikot sa kwento ng hari ng casino na si Cha Mu-Sik (Min Sik) na masasangkot sa isang murder case.

Kwento ni Nico sa kanyang solo presscon, “Ako rito si Mark Flores, isang CIDG operative na naatasang imbestigahan ang mga nangyayaring pagpatay sa Korean citizens dito sa Pilipinas.”

January nitong taon nag-audition si Nico para sa naturang papel.

“Wala akong idea kung ano ’tong pinag-a-auditionan ko until I had a callback and ‘yun na, no other than Director Kang Yoon-sung met with me and explained to me the role,” patuloy niya. “Doon ko na rin na-realize na importante pala ‘yung role na in-audition ko.”

Bale 19 days nagtagal si Nico sa Korea, kung saan kinunan ang ilang parte ng series. Pero, limang araw lamang daw rito ang iginugol niya sa shooting.

The rest of the days, nag-ikot daw siya sa Busan para ma-experience ang train to Busan.

Puring-puri ng aktor ang working environment kasama ang Korean production dahil hindi sila nagkaroon ng language barrier dahil fluent sa Ingles ang isang cast member.

Over the top din daw ang budget ng Big Bet na nasa tumataginting na bilyong piso.

Nang tanungin tungkol sa kanyang experience, inilarawan ito ni Nico bilang “challenging yet fulfilling” lalo pa kung isa kang Pinoy actor na nakakatrabaho ang ilan sa pinaka-professional na mga aktor at pinaka- experienced na production crew.

“You have to be on your toes always. ‘Yung mga aktor na katrabaho ko, lahat sila ready pagdating sa set.”

Si Nico ang pinakaunang Pinoy actor na kasama sa cast na ipinatawag at napili ni Direk Yoon-sung.

Ayon dito, “I saw Nico’s natural acting. I have seen some of Nico’s acting footage and I believe he knows what good acting is about. He knows it.”

Para naman kay Nico, magaan ang pagkakaroon nila ng eksena ni Min Sik, isa sa mga tinitingala niyang artista.

“Dama mo rin na in character siya kaya dapat attentive ka sa character mo,” kwento niya.

“Hindi naman tayo napahiya. Naitayo naman natin ang bandera ng Pilipinas,” sabi ni Nico.

Ang Big Bet ang pinakamalaking break ni Nico sa loob ng 19 years sa showbiz. Nagsimula siya bilang talent sa Panday ni Jericho Rosales, at patuloy na gumanap sa iba’t ibang papel sa telebisyon at sa mainstream/independent cinemas.

Isa sa mga tumatak niyang papel ay ang karakter niyang Tolayts sa top- rating ABS-CBN serye na On the Wings of Love.

Si Nico ay tapos ng abogasya sa San Beda College at San Sebastian College. Nakapagtapos din siya ng AB European Studies sa Ateneo de Manila University.

Ang Big Bet ay isa lamang sa tatlong international projects na ginawa niya at mapapanood sa tatlong magkaibang giant streaming platforms soon.

Noel Trinidad & Liza Lorena

Pag-ibig sa pamilya, tema ng Noel-Liza MMFF entry

PAREHO na silang beterano sa industriya pero ayon kay Liza Lorena, ngayon lamang sila nagkatrabaho ni Noel Trinidad sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Cineko Productions, ang light family drama na Family Matters.

“We met first time, ‘no? So, sabi ko, never kong nakatrabaho si Noel. So, thank God that during this time pa, nakasama ko pa rin siya in my lifetime,” ani Liza sa katatapos na mediacon ng pelikula.

Hindi raw siya nabigyan ng pagkakataong mag-guest man lang sa noo’y sikat na programang Champoy nina Noel at erstwhile partner Subas Herrero o sa Abangan ang Susunod na Kabanata with Tessie Tomas.

“Pinapanood ko siya… That’s when he believed me. And he was worried na baka ano raw ako, suplada,” anang aktres sabay baling at haplos sa pisngi ni Noel.

Anyway, naging maayos naman ang kauna-unahan nilang pagtatambal. Katunayan, maging sa mediacon ay dinaig pa nila ang mga sikat na young loveteams ng bansa sa sobrang ka-sweet-an.

Ang Family Matters ay hatid ng matagumpay na tandem nina Direk Nuel Naval at writer Mel del Rosario, na siya ring nasa likod ng top-grossing Viva Films MMFF entry na Miracle in Cell No. 7 noong 2019.

Kwento ito ng mag-asawang may edad na, sina Francisco (Noel) at Eleanor (Liza), pati na ang kanilang mga anak: Ang successful na panganay na si Kiko; homemaker na si Fortune; single pa ring si Ellen; at happy-go-lucky na si Enrico.

Mabubulabog ang buhay nila nang magdesisyon si Ellen (taga-alaga nina Francisco at Eleanor) na mag-Amerika para hanapin ang kanyang pag-ibig doon.

Maghahali-halili sila sa pag-aalaga sa mga magulang.

Tampok din sa pelikula ang bigating all-star cast na binubuo nina Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon, James Blanco, Nikki Valdez, JC Santos, Ana Luna, Ina Feleo, Ketchup Eusebio at Roxanne Guinoo habang introducing naman si Ian Pangilinan.

Dahil sa mensahe ng pelikula, inaprubahan daw agad ito nina Mayor Enrico Roque at ng mga executive ng Cineko.

“Family drama ang kanilang hinahanap dahil matagal nang walang nagpu-produce ng ganito,” ani Mel. “Nang mabasa ang script, nagustuhan agad. Halos walang comment. Binigyan kami ni Nuel ng kalayaan sa pagpili ng mga artista at sa paggawa ng pelikula.”

Ang Family Matters ay magbubukas sa mga sinehan sa December 25.

AUTHOR PROFILE