
NHA pinuri sa pagtulong sa typhoon victims
PINURI ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos ang National Housing Authority (NHA) sa tulong programa nito sa mga biktima ng bagyong Odette at sa mga ibang aktibidad pa ng ahensya.
“Thank you to the National Housing Authority for your continued efforts in ensuring that the families affected by Typhoon Odette are given support through your Special Emergency Housing Assistance Program [Special EHAP],” ayon sa first lady.
“We know that without you, these typhoon victims will be homeless. And because of you, they now have a roof over their heads. Maraming-marami pong salamat sa inyong lahat,” dagdag pa niya.
Programa ng NHA ang Special EHAP na naglalayong magbigay ng karagdagang tulong pinansyal para sa mga pamilyang apektado ng matitinding kalamidad.
Kasabay ng pamamahagi ng Espesyal na EHAP, idinaos din ang Lab for All Caravan sa Palawan noong Disyembre 5, 2023. Ito’y isang programa ng Unang Ginang na naglalayong ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga Pilipino.
Isa ang NHA sa mga lumahok sa caravan, kung saan isinapubliko ang mga serbisyo nito at mga programang pabahay. Samantala, pinangunahan ni GM Joeben Tai at ni First Lady ang pamamahagi ng pabahay sa 5 maswerteng pamilya na lumahok sa caravan sa Palawan.
Hinagupit ng Bagyong Odette ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao noong Disyembre 2021.