Ney

Ney handang makumpara kay Naldy

November 10, 2024 Ian F. Fariñas 132 views

TWENTY years din palang nawala sa showbiz limelight ang ’90s alternative rock band na Orient Pearl, na nagpasikat sa mga kantang “Pagsubok,” “Cry in the Rain,” atbp.

Ngayong 2024, nagbabalik ang grupo nina Rai, Leo, Pol, Third, Budz at Ryan kasama ang bago nilang bokalista na si Ney Dimaculangan, dating taga-6Cyclemind.

Sa katatapos na launch sa 12 Monkeys Bar sa Estancia Mall, Pasig City, ipinaliwanag ng grupo na may iba nang priority sa buhay ang OG vocalist nilang si Naldy Padilla.

Dagdag nila, may blessing ni Naldy ang pagkuha ng bagong bokalista. Hindi rin umano totoo na na-disband o nag-away-away sila kaya sila biglang naglaho sa eksena.

Sa pagtanggi ni Naldy na bumalik, nagdesisyon ang Orient Pearl na magpa-audition at isa nga sa libu-libong nag-submit ng demo ay si Ney.

“Bumalik kami kasi talaga namang gusto naming mag-share ng music sa masa. Kasi ‘yun talaga ang pangarap namin. Kaya kami nagbanda para mabigyan ng inspiration ang mga masa. Ma-uplift sila, ma-empower sila through music,” paliwanag ni Leo.

Kasabay ng pagpapakilala kay Ney bilang bagong miyembro ng banda, meron din silang bagong kanta, “Langit,” na mapakikinggan na sa digital streaming platforms.

Ayon sa grupo, natutuwa silang malaman na kahit medyo napahinga sila sa recording, eh, marami pa rin ang nakikinig sa kanilang signature hits.

As for Ney, aware umano siya na hindi maiiwasang ikumpara siya kay Naldy.

Ayon sa kanya, “‘Matic naman ‘yan. Sabi ko nga, you cannot please everyone so automatic na response ng tao ‘yon even though kahit maganda minsan, natural lang ‘yan. So you just have to ano, make sense kung tama ba ‘yung comment nila and you can use it positively. Or if it’s a negative thing, exit na lang sa kabila. So ganu’n na lang and basta as long as your intention is pure, wala kang sinasagasaang tao, I guess ‘yun ‘yung pinakamahalaga.”

AUTHOR PROFILE