Pornstar

Newbies ng ‘Pornstar 2,’ pinuri ng legends

November 9, 2021 Vinia Vivar 503 views

Puring-puri ng legendary sexy stars na sina Rosanna Roces, Alma Moreno, Maui Taylor at Ara Mina ang apat na newbies na kasama nila sa pelikulang Pornstar 2 (Pangalawang Putok) na sina Ayanna Misola, Stephanie Raz, Cara Gonzales at Sab Aggabao na pwedeng sumunod sa mga yapak nila bilang sex symbols.

Para sa apat na dati ring nag-reyna sa pagpapa-sexy, malayo ang mararating ng mga baguhang ito.

“Sobrang sipag nila, sobrang walang arte. Malayung-malayo sa attitude namin noong araw,” sabi ni Osang.

Dagdag pa niya, hindi sila nahirapang kaeksena ang apat dahil prepared ang mga ito na dumarating sa set at kabisado na ang script.

Sinegundahan naman ito ni Ness at dinagdagan na marespeto ang mga ito at marunong makinig.

“Saludo ako sa kanila. Sana, marating nila ang lahat ng pangarap nila,” sey ni Ness.

Ayon naman kay Ara, sobrang professional ang apat, walang attitude at madali raw mag-adjust.

“Hindi rin sila nahihiyang magtanong. Like si Ayanna, ‘okay lang po ba ito?” So,’yun. Ituluy-tuloy n’yo lang ‘yan, malayo ang mararating n’yo,” ani Ara.

Sabi naman ni Maui, na-amaze siya talaga sa apat at binati niya ang mga ito for a job well done.

“To the four newbies, magku-congrats na lang ako in advance. And as your Ate on the set, masasabi ko na the four of you have done a very good job. Keep up the good work and tatandaan n’yo palagi ‘yung mga sinasabi naming mga legend sa inyo na huwag na huwag lalaki ang ulo ninyo and feet on the ground palagi and tiwala kami the four of you will make it,” mensahe at payo ni Mauwi sa four girls.

Mapapanood na simula sa Dec. 3 ang Pornstar 2 sa Vivamax mula sa direksyon ni Darryl Yap.

AUTHOR PROFILE