New Year pasabog
HINDI mga maiingay na paputok ang ginamit na pampukaw ng atensyon ng Vivamax actress na si Angeline Aril.
Sinalubong nga ng sexy star ang 2025 ng pasabog niyang mga larawan sa Instagram.
Happy na happy ang New Year ng sangkalalakihan sa handog na seksing katawan ni Angeline.
“Pregaming 2025,” maikling caption niya sa IG post.
Tanging manipis na tela lang ang bumabalot sa katawan ng hot actress. Tagos ang magandang hubog ng bebot. Masisipat ang pagiging juicy ng kanyang sex appeal.
Palaban ang pata niyang malaman at nangamusta rin ang cleavage ni Angeline sa larawan.
Kahit mag-zoom in pa ang netizens, may kakinisan siyang hindi kailanman kaiinisan ng mga kalalakihan.
Syempre Diyosa rin ang tingin sa kanya ng netizens. Kabogera din kasi ang kariktan na mayroon siya, talagang magiging crush ng mga kalahi ni Adan ang mga tulad niyang Eba.
Kahit na baguhan pa lamang sa industriya, naipamalas na agad ng 19-year-old FEU student na si Angeline ang kanyang husay sa pag-arte nang bumida siya sa Vivamax original film na “Cheaters.”