Sharon

Netizens, umepal sa panawagan ni Sharon

August 11, 2021 People's Tonight 374 views

PINATULAN ni Sharon Cuneta ang netizen na umepal sa panawagan niya ng tulong sa mga nangangailangan na apektado ngayon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Isang netizen ang nagkomento na i-share na lang niya ang kanyang blessings sa mga apektado nang walang camera.

Bahagi ng buwelta ni Shawie sa netizen, “Ang dami mong hindi alam sa mga nagawa ko na at ng pamilya ko, pati mga anak ko nag-aambag mula sa ipon pati alkansiya…”

Isa pang netizen ang pumansin na madaling magalit ngayon ang megastar.

“Ay hindi po! Maayos po ang salita ko today kasi masaya naman po ako. Minsan lang talaga matulungin ako at matiyagang nag-e-explain sa mga tila di nakakaintindi o ayaw umintindi sa sinasabi ko,” bahagi ng sagot ni Shawie sa isa pang epalero.

Binasag ng netizens ang trip ni Shawie na todo ang post kaugnay ng movie niyang Revirginized.

SHEERAN SA ‘AOS’

ALL-OUT ngayong Sunday sa All-Out Sundays ang Perfect singer-songwriter na si Ed Sheeran.

Kakantahin ni Sheeran ang latest single niyang Bad Habits sa GMA Sunday show.

May imbitasyon sa AOS na gawin ang show sa Clark Airport City sa Angeles, Pampanga at dahil bawal ang live show sa lugar na nasa ECQ, may chance na doon muna mag-i-stage ng live show ang AOS, huh!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE