Heart

Netizens, pinansin ang pasa ni Heart sa tiyan

April 3, 2022 Vinia Vivar 223 views

Iniintriga ng netizens ang nakitang pasa ni Heart Evangelista sa bandang tiyan sa isang video na ipinost ng aktres sa Instagram.

Sa nasabing video ay nagbibihis si Heart at ipinapaliwanag ang kanyang outfit na madalas niya talagang ginagawa for her followers.

Pansin na pansin ang pasa niya sa tiyan sa video at mismong si Heart na rin ang nag-mention nito.

Aniya, saka na lang niya ie-explain kung bakit siya may pasa.

Sa comment section ay marami ang nagkomento na alam daw nila kung ano ang mga pasa na ito.

“I hate to pry. But I got excited seeing the bruises 1 inch from your navel. I had the same bruises. Got my rainbow. I hope you get yours,” komento ng isang netizen.

“Fertility treatments,” sagot ng isa.

“I can relate with that bruises after 5 failed transfers and now it’s +… and will have mine this August. I’m praying for Heart coz I know she can be a brilliant mom,” sey naman ng isa pang follower.

“I think she’s trying to get pregnant. Those are from injection,” another comment.

“IVF injection meds, she’s trying to have a rainbow baby,” puna ng isa pang netizen.

May nagtanong naman kung ano raw ang rainbow baby at sagot ng netizen, “rainbow baby is a child born after losing baby/ies due to miscarriage, stillbirth, etc.”

May nag-comment din na nagpatanggal marahil ng fats si Heart dahil ganyan din daw ang injection ng nasabing proseso.

Pero mariin itong itinanggi ni Heart. “hahah no darling noooo,” sagot niya sa komentong nagpatunaw siya ng taba.

Well, nagsabi naman si Heart na magpapaliwanag siya kung bakit siya may pasa kaya abangan na lang natin ang kwento niya.

AUTHOR PROFILE