Robin

Netizens, pinansin ang ‘di pagsama ni Mariel kay Robin sa SONA

July 25, 2023 Vinia Vivar 234 views

Isang simpleng barong lang na nagkakahalaga ng P7,000 ang suot ni Sen. Robin Padilla sa opening ng Senate Session at sa 2nd State of the Nation Address (SONA) kahapon.

In a press statement na mababasa sa page ni Binoe sa website ng Senate of the Philippines, nakasaad na “Sen. Robinhood Padilla wears a simple barong by Onesimus made of silk cocoon fabric for the opening of the Senate’s second regular session on Monday. The barong was purchased for less than P7,000.”

After the opening ceremonies ay dumiretso ang aktor/politiko sa Batasang Pambansa para saksihan naman ang 2nd SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ipinost din ni Sen. Robin sa Facebook ang mga larawan niya gracing the events and in fairness, kahit na nga ba sinasabi nilang simple lang ang kanyang barong, puring-puri naman ng netizens ang kanyang kaguwapuhan at kaastigan.

Anyway, kapansin-pansin na wala ang misis ni Robin na si Mariel Padilla sa event bilang politician’s spouse.

Sa Instagram ni Mariel ay nakita namin ang post niyang sa eroplano siya nang sandaling iyon kasama ang dalawang anak nila ni Binoe.

“In an eight hour flight with kids, the last 20minutes are the longest. I was literally praying ‘sana mag land na’ 🤣 hahaha,” ang caption ni Marielle.

Sa comment section ay may ilang nagtanong sa kanya kung bakit hindi niya sinamahan ang asawa sa Senado.

AUTHOR PROFILE