Barbie

NETIZENS, NATAWA SA SAGUTANG BARBIE-JOSHUA

July 25, 2023 Vinia Vivar 285 views

Ang bongga ng reaksyon ni Barbie Forteza sa mga papuri sa kanya ni Joshua Garcia sa katatapos na GMA Gala 2023.

As we all know ay dumalo ang aktor for the first time sa nasabing GMA event at doon ay natanong siya kung sino ang best-dressed celebrity para sa kanya.

Mabilis na sagot ni Joshua, “Barbie. Siya ‘yung nasa harapan ko kanina. Sabi ko, ‘ang ganda ng dress nito.’ Hindi siya ganu’n ka-flashy pero at the same time, nandu’n ‘yung pagka-elegante ng babae.”

Nakita ni Barbie ang video ng interview at nire-post niya ito sa Twitter kasama ang kanyang komento.

“Tama ka naman diyan. Hahaha! Salamat!” ang caption ni Barbie.

Ni-retweet naman ni Joshua ang tweet na ito ni Barbie at biro niyang sagot, “pa-tip nalang po o pa-five star, salamat po!”

Tawa nang tawa ang netizens sa sagutan ng dalawa at ang iba ay kinilig pa.

“Wahhh! Sandaleee! Bakit ang haba ng hair ng beshie ko?” sey ng isang netizen.

Reaksyon naman ng isa pa, “hahhaha bagay ah.”

Komento naman ng isang user, “pakilig din tong dalawa na to HAHAHAHAHAHAHAHAH.”

AUTHOR PROFILE