sherynvin

Netizens, naintriga sa Sheryn-Vin ‘PDA’ Photo

September 26, 2021 Vinia Vivar 441 views

Nakakaintriga ang ipinost na picture sa Instagram story ng Kapamilya diva na si Sheryn Regis kasama ang aktor na si Vin Abrenica.

Sweet na sweet kasi sila sa picture kung saan nakahawak pa si Vin sa beywang ni Sheryn habang ang Kapamilya singer naman ay nakahawak naman sa pisngi ng aktor na para bang magki-kiss sila.

Marami tuloy ang na-curious kung para saan ang picture na para bang mag-jowa ang dalawa gayung alam naman ng lahat na malapit nang ikasal si Vin sa fiancee niyang si Sophie Albert.

Pero sakto rin kasi na kaka-release lang ni Sheryn ng pinakabago niyang single na Gusto Ko Nang Bumitaw mula sa Star Music.

Bukod sa nag-uumapaw sa birit, panay hugot din ang kanta tungkol sa mahirap na desisyong umalis sa isang mapang-abusong relasyon at pag-iwan sa taong minamahal.

Anyway, abangan na lang natin kung para saan ba ang PDA photo na ‘yun.

AUTHOR PROFILE