Robin

Netizens nagpiyesta sa sagutang ‘in heat’ at ‘hot hot hot’ nina Sen. Robin at Mariel

August 17, 2024 Vinia Vivar 126 views

Humingi ng paumanhin si Sen. Robin Padilla sa mga na-offend sa usapang marital rape na naging paksa sa Senate Committee on Public Information and Mass Media hearing nitong nakaraang August 15.

Ang nasabing committee ay pinamumunuan ni Sen. Robin.

Sa nasabing pagdinig ay nagtanong ang aktor/politiko sa resource person nila na si Atty. Lorna Kapunan tungkol sa sexual rights ng isang mister kung sakaling wala sa mood ang misis.

“So, halimbawa, hindi mo naman pinipili kung kailan ka in heat. Paano ‘yun kung ayaw ng asawa mo? Walang ibang paraan talaga para ma-ano ‘yung lalaki? So paano ‘yun, mambababae ka na lang ba? Eh, di kaso na naman ‘yun,” tanong ng senador.

Sinabi naman ni Atty. Lorna Kapunan na may dahilan ang babae kung tumatanggi itong makipag-sex at hindi ito kailangang pilitin.

Nag-viral ang video ng nasabing talakayan at umani ng katakut-takot na batikos si Sen. Robin.

Sa kanyang Facebook account last Friday ay nag-sorry si Binoe at ipaliwanag ang kanyang panig.

“Sa mga na offend po o hindi nagustohan ang aming pagdinig patungkol sa marital rape. Mga kababayan paumanhin po,” simula ng action star/politiko.

“Para din po sa inyong kaalaman ang aking committee po ay public information. Ito pong Commitee na ito sa matagal na panahon ay tulog, hindi po ito nagagamit ng tama kahit nasa constitution ang public information.

“Article III, Section 7 of the Constitution, which provides: ‘The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized.’ Ang marital rape po ay may mataas na porciento ibat ibang lugar sa Pilipinas.

“Ibig sabihin meron po pagkukulang ang gobyerno sa pagpapalaganap ng batas at ang pagkukulang na yun ay obligasyon ko na punuan. Ang batas na hindi alam ng taongbayan ay patay na batas,” paliwanag niya.

“Gumagawa po tayo ng mga panukalang batas na magiging bunga ng ating mga pagdinig,” pahayag pa niya.

Pinayuhan din ni Sen. Robin ang publiko na huwag masyadong sensitive sa mga napapapanood or naririnig sa hearing.

“‘Wag po tayo maging sensitive sa pagdinig sapagkat yun po ang ibig sabihin ng hearing.

“Such inquiries may refer to the implementation or re-examination of any law or appropriation, or in connection with any proposed legislation or the formulation of, or in connection with future legislation, or will aid in the review or formulation of a new legislative policy or enactment,” he wrote.

Halos kasabay ng statement ni Binoe ay nag-post naman ang asawa niyang si Mariel Rodriguez ng ‘kissing photo’ nila ng mister.

Caption niya, “Oh may consent yan ah.”

Sumagot naman si Binoe sa comment section ng “Hello babe. I’m in heat.”

Sagot ni Mariel, “Its a tie… i’m feeling hot hot hot.”

Umani ng katakut-takot na reaksyon ang post ni Mariel gayundin ang sagutan nilang mag-asawa.

Needless to say, nagpiyesta na naman ang mga basher nila.

DREAM COME TRUE

Dream come true para sa former beauty queen at “Pinoy Big Brother” ex-housemate na si Ali Forbes ang pagkakaroon ng sariling single.

Kasalukuyan nang available sa mga streaming platform ang debut single niyang “Halika Na” distributed by Star Music.

Sobrang happy ni Ali dahil bukod sa under ito ng Starmusicph ay mula pa ito sa komposisyon ng Himig Handog 2013 grand winner na si Direk Joven Tan.

Sa ngayon ay active pa rin si Ali sa paggawa ng mga movie at show bukod sa pagiging abala sa kanyang Forbes Hope Foundation.

Sa mga hindi masyadong aware, si Ali ay naging 1st runner-up sa Binibining Pilipinas noong 2012. Siya rin ang naging representative ng Pilipinas sa Miss Grand International 2013 na ginanap sa Bangkok, Thailand, kung saan ay naging 3rd runner-up nga siya.

Naging housemate naman siya sa “Pinoy Big Brother 7 Adult Chapter” noong 2016.

AUTHOR PROFILE