Maine

Netizens, naawa at natawa sa ‘pekeng Maine’ tweet ng diehard AlDub fan

July 29, 2023 Vinia Vivar 353 views

Maine1Maine2Maine3Habang nagaganap ang kasalang Arjo Atayde at Maine Mendoza sa Baguio City nitong July 28 ay may isang diehard AlDub fan na nag-viral dahil sa isang tweet.

Isang nagngangalang “Mila Cambal 23 TBADN (@MCambsl2)” sa X (Twitter) ang nag-tweet na fake raw ang kasal nina Arjo at Maine at clone lang daw ang pinakasalan ng aktor.

Ipinipilit niyang sina Maine at Alden Richards ang totoong mag-asawa at may tatlo na raw silang anak.

“Balita ko Garden wedding daw ang ganap sa Baguio… hahaha… forecast maghapon uulan… good luck… paano walang simbahang papayag sa Fake na kasal. Anyway di naman totoong M ‘yun… si Clonie ang ikakasal kay (Arjo). nandun nagaalaga ng 3 anak si Mumshie,” ang tweet ng AlDub fan.

Isa pa niyang tweet, “Sorry po I still stick to what I believe… I KNOW THE REAL NICOMAINE DEI MENDOZA IS MARRIED TO RICHARD FAULKERSON JR & THEY HAVE 3 KIDS… MAY RESIBO AKO NYAN… KAYA YOU CANT MAKE ME BELIEVE… SARRY BASH PAMORE..”

Dahil dito ay nag-trending ang pangalang “Aling Mila” sa X at marami ang nag-react. Karamihan ay natatawa na lang sa kanya at tinawag siyang “delulu” fan pero mayroon din namang ibang AlDub fans na nakiayon sa kanyang paniniwala.

Marami namang netizens ang naawa at natawa na lang sa AlDub fans na na-stuck na sa panahon ng kasikatan ng Kalye Serye ng Eat Bulaga at tambalang AlDub.

Actually, maging si Maine ay noon pa pinoproblema ang fans niyang hindi matanggap ang katotohanan at kapit pa rin sa ilusyong mag-asawa sila ni Alden.

Sey nga niya sa past interview kay Ogie Diaz, napapagod na rin siya sa kapapaliwanag.

Samantala, ginawan naman ni Joey de Leon, isa sa mga ninong ng ArMaine, ng kanta ang kasalan mula sa theme song ng E.A.T.

Isang araw matapos ang kasalan sa Baguio, nag-celebrate naman si Joey kasama sina Tito at Vic Sotto pati na ang legit Dabarkads ng 44th anniversary ng kanilang samahan na tinawag nilang “National Dabarkads Day: 143-44.”

AUTHOR PROFILE