Dingdong

Netizens, kinilig sa pa-birthday tula ni Dingdong kay Marian

August 13, 2021 Ian F. Fariñas 237 views

KINILIG ang netizens sa maikli pero matamis na tula ng pagbating ginawa ni Dingdong Dantes sa 37th birthday ng misis na si Marian Rivera nu’ng Huwebes, August 12.

In-upload ni Dong sa Instagram ang isang picture ni Marian na kuha sa simple pero eleganteng quarantine celebration sabay lagay ng short poem na, “Marimar ang programa kung saan una ko siyang nakilala/at ang tawag ko noon sa kaniya’y suplada/ pero ngayon, katorseng taon na ang nakalipas/mahal na ang tawag ko sa kaniya

“Maligayang kaarawan sa mestizang Caviteña/ salamat sa Kanya at may isang Marian Rivera/oops, Misis Dantes na pala.”

Ni-repost ito ni Marian sa kanyang IG Story at doon ay inulit na “Love you mahal ko” niyang linya para kay Dong.

Virtual namang bumati sa Kapuso Primetime Queen ang malalapit na kaibigan, pati na ang amang based sa Spain.

Nangibabaw ang kulay pink sa birthday celebration ni Marian na ang table setting ay gawa ni Teddy Manuel.

“Thankful for 37 years of life. I am filled with gratitude for all of you and for all the blessings,” anang celebrator sa IG.

Kahapon, nag-post din si Marian ng family picture nila nina Dong, Sixto at Zia na nilagyan niya ng caption na, “What I am most thankful for everyday, the gift of family. Maraming Salamat Ama.”

AUTHOR PROFILE