Kris

Netizens, ikinatuwa ang pag-gain ng weight ni Kris

January 3, 2023 Ian F. Fariñas 273 views

Kris1Kris2

NAGDIWANG ang netizens at supporters ni Kris Aquino kahapon sa nagkalat na latest pictures niya online kung saan makikitang nag-gain siya ng kaunting weight. Kuha ang nasabing mga litrato sa pagbisita sa kanya sa Amerika ng dating manliligaw na si Batangas Vice Gov. Mark Leviste nito lamang Bagong Taon.

Sa socmed post ng politiko, sinabi nito na, “Spending the first day of the year with the queen.” Ilang pictures din ang ipinost ng bise gobernador, kung saan makikita na medyo nagkalaman na nga muli ang dati ay halos buto’t balat nang si Kris.

Tatagal pa sa Amerika sina Kris, Josh at Bimby kung saan patuloy na ginagamot ang multiple autoimmune disease ng dating TV host-actress.

Sa kanyang huling socmed post noong Kapaskuhan, sinabi ni Kris na malamang na abutin sila ng 18 months sa US para sa treatment.

Sinabi rin niya na tinatrabaho na ang mga papeles ng kanilang pag-i-extend ng stay sa Amerika.

May tsika rin na plano ni Kris na bumili na ng bahay abroad para nga naman masiguro ang titirahan nila habang siya’y nagpapagaling.

“We may be an ocean apart but it matters so much to know that many of you who don’t even know me or my sons personally, care enough to remember us and want me to win this seemingly endless battle with my autoimmune conditions. May God bless your kind and compassionate hearts,” pasasalamat pa ni Kris sa mahabang Christmas Even post.

Ang Christmas wish daw niya ay “makabawi sa ginagawa niyong mabuti para sa akin ngayon. My first cycle of immunotherapy treatment (same medicine as chemo but at a much lower dose given over a longer period of time) will take about 10 months.

“For now, idadaan ko nalang po ang pasasalamat ko sa mga pinagkakatiwalaan kong mga kaibigan sa religious and medical communities,” dagdag pa ni Kris.

AUTHOR PROFILE