Netizens hindi natutuwa sa partner ni Carlos na si Chloe
MARAMING netizens ang nagko-comment sa sobra umanong ma-papel si Chloe San Jose, ang Filipino-Australian girlfriend ng Filipino two-time Paris Olympics gold-winner na si Carlos Yulo dahil kahit hindi siya kailangan sa interview ay sumasali ito.
She should leave Carlos to shine on his own nang hindi siya nakikisawsaw. After all, they have their own happy moments. She’s there to support her boyfriend or partner pero huwag sana siyang nakikisali sa frame na ang kanyang nobyo lamang ang kailangan.
Bakit hindi nga naman gayahin ni Chloe si Jinky Pacquiao, ang misis ng People’s champ and boxing hero na si Manny Pacquiao na hindi siya nakabalandra sa mga shining moments ng kanyang asawa. Kahit naman si Julius Naranjo na boyfriend pa lamang noon ng first time Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ay hindi pumapel sa mga interviews sa kanyang misis na ngayon .
Walang alinlangan na sikat na sikat ngayon si Carlos sa Pilipinas maging sa kanyang mga kababayan sa iba’t ibang bahagi ng mundo, pero sana hayaan niya munang `masolo’ ng kanyang mga kababayan ang kanyang boyfriend.
Although may kakaibang ugali ang ina ni Carlos, hindi rin siya naiiba sa kanya considering na girlfriend pa lamang siya at hindi pa asawa.
Speaking of Carlos, dapat ang isa pang taong dapat binibigyan ng papuri ay ang ang Filipino coach nito na si Allen Aldrin Castaneda na tatanggap ng 50% or P10-M na cash incentive na magmumula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na pinamumunuan ngayon ng chairman na si Alejandro Tengco.
Kung isasama ang iba pang cash incentives and in kind tulad ng house and lot, three-bedroom condominium worth P35-M, business packages at iba pa, hindi lamang P100-M aabot ang makukuha ng makasaysayang panalo ni Carlos Yulo na nadadagdagan by the day.
Sa darating na August 13, araw ng Martes ang dating ni Carlos at ng iba pang atleta na sumali sa 2024 Paris Olympics including the two bronze awardees (sa women’s boxing category) na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio na nakapaguwi rin ng karangalan sa Pilipinas mula sa Paris Olympics Games.
Bukod sa Filipino coach ngayon ni Carlos na si Allen, malaki rin ang naging papel sa tagumpay ni Carlos bilang multi-medalist gymnast ang kanyang dating Japanese coach na si Numehiro Kugimiya na kung gugustuhin ni Carlos ay puwede rin niya ito balatuhan mula sa mga cash incentives na kanyang matatanggap.
Sa mga interviews ni Carlos, dapat ang kanyang coach ang kanyang kasa-kasama at hindi ang kanyang nobya na pinaniniwalaan ng marami na sobrang ma-papel porke’t girlfriend siya at mahal ng Olympics gold medalist.
Ali trabaho lang, walang personalan
ANG sexy actor na si Ali Asistio ang pangunahing bida sa sexy film na “Pintor at Paraluman” mula sa panulat at direksiyon ni Marc Misa for Vivamax. Tampok din sa nasabing sexy-fantasy streaming movie si Athena Red kasama sina Yda Manzano at Juan Calma.
Ayon kay Ali, pang-9th Vivamax movie na umano niya ang “Pintor at Paraluman” at natutuwa siya na this time ay siya na mismo ang first lead star ng pelikula at nagpapasalamat siya saViva sa malaking break na ibinigay sa kanya.
Kahit pinagkatiwalaan na siya ng lead role, wala umanong problema sa kanya kahit bigyan pa rin siya ng mga supporting role sa ibang pelikula ng Viva.
“Trabaho pa rin `yon sa akin,” katwiran niya.
Kahit marami na siyang mga nakaka-eksena sa mga intimate scenes ay isinasantabi umano niya ang kanyang personal na emosyon sa kanyang trabaho.
“When it’s work, trabaho lang talaga,” pahayag pa niya.
Si Ali ay produkto ng “Walang Tulugan with Master Showman” ng yumaong si Kuya Germs (German Moreno).
Aerol umaming naa-attract sa leading ladies pero tapat sa girlfriend
“BACKRIDER” ang titulo ng launching movie ng bagong sexy star ng Vivamax na si Jenn Rosa na puno ng tattoo ang kaliwang braso at likod.
The Gretchen Barretto look-alike and totally orphaned newbie admits na lahat umano ng tattoo na kanyang ipinalagay sa kanyang kamay , braso at likod ay may mga kahulugan at kasama na rito ang kanyang recent break-up sa kanyang boyfriend.
Ulila nang lubos si Jenn dahil pareho nang sumakabilang-buhay ang kanyang parents maging ang kanyang kaisa-isang kapatid.
“Sobra pong dami ng mga pinagdaanan ko,” pag-amin pa niya.
Ang “Backrider” na pinamahalaan ni Bobby Bonifacio, Jr ay kasama sina Aerol Carmelo, Jonica Lazo at Chad Alviar at matutunghayan na on Vivamax streaming app simula ngayong August 13.
During the mini-presscon of the movie, inamin ng sexy actor na si Aerol na kahit may partner na siyang non-showbiz, ay nakaramdam umano siya ng paghanga sa isa niyang co-star na sexy actress pero hindi umano niya itinuloy ang kanyang intention dahil pareho umano sila in a relationship ng sexy actress ay ayaw umano niyang makasira ng relasyon.
“Sinarili ko na lamang `yon,” aniya.
Gerald pinarangalan ng PCG
HINDI kinalimutan ng Philippine Coast Guard ang ipinakitang kabayanihan ng 35-year-old actor-entrepreneur and Philippine Coast Guard Auxiliary Commander na si Gerald Anderon nitong nakaraang super typhoon Carina kung saan siya nakita ng mga taong tumulong para masagip ang maraming na-stranded ng baha sa may Bgry. Sto. Domingo in Quezon City. Dahil dito, pinarangalan ang actor ng “Search and Rescue Medal” mula sa Philippine Coast Guard officials na ginanap mismo sa kanilang headquarters office in Port Area, Manila sa pangunguna ni Vice Admiral Jorge Lim, Armando Balilo at Ronnie Gil Gavan.
Ang ginawa ni Gerald sa nakaraang bagyong Carina ay hindi una sa ipinakitang pagtulong na ginawa ng aktor. Nagbigay din ng financial help ang actor sa mga Aeta ng Zambales (where he has his own beach resort), sa maraming pamilya sa Marawi maging sa mga tao ng Thitu Island kung saan niya kasama ang kanyang kasintahan, PCGA Ensign at actress na si Julia Barretto.
Jose Mari dapat isulong maging National Artist for Music
ISA kami sa naniniwala na panahon na ring maging National Artist for Music ang 79-year-old veteran singer, songwriter, hitmaker and successsful businessman na si Jose Mari Chan kung pagbabasehan ang matagumpay na achievements nito sa musika na may ilang dekada na rin niyang naipamalas.
Dubbed as the Father of Philippine Christmas Music dahil sa kanyang iconic Christmas song with his daughter Liza na pinamagatang “Christmas in Our Hearts,” Jose Mari has become a symbol ng Christmas sa Pilipinas pagpasok ng ‘ber’ months at kung anu-anong memes ang ginagawa ng mga tao using his image.
Although he runs the family business entrusted to him by his father, never nawala ang kanyang passion in music since he was a young boy.
He was 13 when he first wrote his first composition na kanyang ipinagpatuloy when he was 14 or 15.
It was his maternal grandmother who introduced him to music with his mother playing the piano.
Although his father was supportive of his love for music, he made sure that Joe Mari gets involved naman sa kanilang family business which he did when he finished his Economics degree at the Ateneo de Manila University in Manila.
In 1975, he left for the US to run their business there and returned to the Philippines in 1986. Pero never umano niya tinalikuran ang pagku-compose ng kanta.
Joe Mari is known for other classic songs na siya rin mismo ang nag-compose, kumanta ang nagpasikat tulad ng “Beautiful Girl,” “Please Be Careful with My Heart,” “Refrain,” “Deep in My Heart,” “Can We Just Stop and Talk A While,” “Afraid for Love to Fade” and more.
Samantala, abangan ninyo ang aming exclusive na panayam sa nag-iisang si Jose Mari Chan sa aming online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel tuwing Martes at Biyernes at 12:00 noon.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.