Richard Gutierrez

Netizens bet ang Richard-Kaila, Daniel-Barbie pairings

August 3, 2024 Vinia Vivar 177 views

May malaking teleserye umanong niluluto ang Star Creatives na pagsasamahan nina Richard Guttierez, Daniel Padilla, Ian Veneracion, Baron Geisler, Barbie Imperial, Kaila Estrada, Anthony Jennings at Maris Racal.

Ipinost sa X ng Kapamilya Online World ang Teleserye Alert na may larawan ng mga artistang nabanggit.

“ABS-CBN Studios mula sa produksyon ng Star Creatives pinaghahandaan na ang Epik Seryeng pagbibidahan ng ilan sa pinakamalalaking artista ngayon!” ang caption na nakasaad.

Siyempre, kanya-kanyang reaksyon ang fans ng mga artistang nabanggit at karamihan sa kanila ay excited.

Sey ng isang fan nina Maris at Anthony (MaThon), “Taray ng #MaThon may bagong teleserye na ulit. Sana magkaroon sila ng teleserye na sila talaga ang lead.”

Nag-react din ang ilang netizens sa pagsasama nina Richard at Barbie na as we all know ay nali-link ngayon.

“Parang bet ko ang daniel-barbie and richard-kaila possible pairing,” komento ng isang netizen.

“Luh R and B project talaga ah lakas sa abscbn ah kahit ang init ng dalawang yan ngaun sa tao,” sey naman ng isa pang X user.

“Kaya pala may sighthings ang Richard-Barbie may teleserye pala. Parang Janine and Echo lang,” anang isa pa.

AUTHOR PROFILE