Dominic

Netizens at celebs, na-touch sa proposal video na inilabas ni Dominic

July 21, 2023 Vinia Vivar 118 views

Two days after their engagement, ipinasilip ni Dominic Roque sa Instagram ang teaser ng proposal video niya kay Bea Alonzo.

Ang ganda ng teaser, in fairness at ang dami nga ring pumuring netizens and celebrities.

Komento nga ng Beadom_forever, “Grabe yung speech mo Dom tagos sa puso, umiyak ang lahat sa napakaganda at romantic proposal mo . Kapag talaga nagsimula sa tama at mabubuti yung puso niyo, grabe yung kapalit na kaligayan 😍. Thank God you found each other to spend the rest of your lives . 😍❤️😭😭😭 , We BeaDom forever fan group love you both so much.”

Touching din ang caption ni Dominic. Aniya, hindi niya akalaing dito sila hahantong ng babaeng dati ay crush lang niya.

“Sino bang mag-aakala na yung crush ko lang noon na gustong-gusto kong tinititigan dahil sa sobrang ganda, hindi ko pa nga alam kung paano ako magpapakilala. Eh ngayon, parte na ng araw-araw ko.

“Indeed, God always has His perfect time for all of us,” pahayag ni Dom.

Matatandaang nag-propose si Dominic kay Bea noong Tuesday, July 18, sa Las Casas Filipinas de Azucar sa Quezon City habang nasa shoot ang aktres.

Of course, Bea said “yes.”

AUTHOR PROFILE