Netizens agree sa puna ni Vice sa Miss U 2024 presentation
Kilala si Vice Ganda na isa rin sa fans ng mga beauty pageant at isa ang Miss Universe sa talagang hindi niya pinapalampas panoorin taon-taon.
Tulad ng mga nakaraang taon ay tinutukan ulit ng Unkabogable Star ang Miss U this year at tulad din ng nakagawian na niya, habang nanonood ay nagpo-post siya ng kanyang mga opinyon sa social media.
Ang unang tweet ni Vice ay opinyon niya tungkol sa host na si Miss Universe 2012 Olivia Culpo.
“Olivia puyat ako at nakainom. Baka pwedeng wag masyadong malikot hinihilo moko ats! Relax! Go Chelsea!” tweet niya.
Nang dumating naman sa swimsuit competition ay pinuri niya ang suot ng representative natin na si Chelsea Manalo.
“Ayan ganyan Chelsea! Gusto ko yang rampang parang may pinapahid ka sa gutter. Laban!” sey ni Vice.
May komento rin siya tungkol sa outfit ng backstage host na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
“Natatakot ako baka cooking show tong Miss U! Naka apron si Catriona e,” puna ni Vice sa suot na white backless gown ni Catriona.
At nang hindi nga makapasok si Chelsea sa Top 12, komento naman ni Vice, “Ahhh ehhhh. Ok. Bye. Zzzzzzzzzzzzzzzz!”
Sumunod niyang komento, “Thanks Chelsea! Have a safe flyt back home!”
Huling tweet ni Vice ay ang puna niya sa presentation ng Miss U.
“Lasing at puyat lang ba ko o talagang ang panget ng presentation nitong #MissUniverse2024 ???” sey niya.
Marami namang netizens ang um-agree sa puna na ito ni Vice.