Neri

Neri pinalaya na

December 4, 2024 Jun Nardo 175 views

PINALAYA na ng RTC Pasay City branch ang actress-businesswoman na si Neri Naig, ayon sa report kahapon ng DZBB. Hindi namin napakinggan ang desisyon ng korte sa release sa aktres.

Eh, nasa ospital si Neri nang lumabas ang hatol kaya naman hindi na siya pababalikin pa sa kulungan after niyang maospital.

Nakulong si Neri sa kasong syndicated estafa at violations of the Securities and Regulations Code.

After Neri, si Rufa Mae Quinto ang kasunod na may katulad na reklamo mula sa same brand ng beauty care. Ayon sa pahayag ng lawyer ni Rufa Mae, susuko siya at magpipiyansa.

ZIA SA SHOWBIZ ANG BAGSAK

NAIYAK si Marian Rivera sa rehearsal pa lang ng pagkanta ng anak na si Zia Dantes habang nasa stage at pinakikinggan niya ito.

“Pumatak ang luha ko sa panonood ko sayo habang nag rehearsal ka. Ito ang una mong pagkakataon na sumubok sa mga bagay na hindi ka pamilyar pero sinubukan mo as in literal eto ang first time mong tumuntong sa entablado para kumanta.

“Palagi mong tatandaan nandito kaming pamilya mo sumusuporta sayo hanggang kung saan ka dalahin ng mga pangarap mo.

“Sabi ko nga sayo lahat ng biyayang ito ay mula sa kanya at ialay natin sa taas. You make mama proud as always,” caption ni Yan sa social media posting niya ng video ng rehearsal ni Zia.

Sa isang litrato nga, si Marian pa ang naglalagay ng make-up sa anak, huh!

Ayaw man sa ngayon ni Yan, pati ang asawang si Dong (Dantes), na pumasok sa showbiz ang panganay na anak, naku, sa ipinakikitang talento ni Zia, sa showbiz din ang bagsak niya in due time.

AUTHOR PROFILE