rabiyaneil

Neil nagsalita sa pakikipaghiwalay kay Rabiya: We’re both happy with our own lives

June 5, 2021 Vinia Vivar 164 views

Kinumpirma ng long-time boyfriend ni Rabiya Mateo na si Neil Salvacion na hiwalay na sila ng beauty queen.

Sa mahabang statement ni Neil sa kanyang Instagram Story posted last June 4 (Friday), nakiusap muna ang bf ni Rabiya na itigil na ang pamba-bash sa kanila at pagpapakalat ng maling balita.

“Spreading rumors without even knowing the real story is just too much,” ang bungad ni Neil.

“We don’t deserve all the negativities manifested towards us, esp towards Rab, she worked hard to achieve whatever she has right now, and she deserves it all.

“It’s NEVER okay to degrade a person just to prove a point, I mean, if you have nothing to say, it’s better to keep it within yourself,” pagtatanggol ni Neil kay Rabiya.

He revealed na nag-usap sila nang maayos regarding the breakup at pareho na silang happy ngayon.

“The real thing is, we’re not together anymore, but we’re both okay, moving forward, we talked and we’re both happy with our own lives,” Salvacion said.

“We both believe that God placed us in this kind of situation for a reason, and that is for the better,” pahayag ni Neil.

Matatandaang ilang linggo nang ispekulasyon na break na sina Rabiya at Neil matapos mapansin ng mga netizen na tinanggal lahat ng binata ang larawan ng GF sa kanyang IG account.

Matapos iyon, nag-unfollow na rin sila sa isa’t isa.

Sinabayan pa ito ng pagkalat ng mga larawan ng beauty queen na kasama ang Pinoy Big Brother discovery na si Andre Brouillette sa isang restaurant kaya lalong tumibay ang speculations that the two have broken up.

AUTHOR PROFILE