Negosyante

Negosyante utas sa RIT

February 25, 2024 Jonjon Reyes 92 views

UTAS ang negosyante sa Quiapo, Maynila noong Sabado makaraang barilin ng dalawang riding-in-tandem.

Sa ulat ni Police Capt.Dennis Turla hepe ng MPD-Homicide Section, pauwi na si Naim Lala y Macalangcom, 27, ng Marawi City at nakatira sa 872 Arlegui St., Quiapo dakong alas-11:15 ng gabi ng may biglang sumulpot na magka angkas sa motorsiklo.

Walang sabi-sabing binaril sa ulo ang biktima na nagresulta sa agaran niyang kamatayan.

Agad dinala sa Golden Mosque sa Quiapo ang labi ng biktima alinsunod sa Islamic tradition.

AUTHOR PROFILE