Default Thumbnail

Negosyante timbog sa P675K kush sa Malate

December 14, 2021 Francis Naguit 230 views

ARESTADO ang isang negosyante matapos mahulihan ng tinatayang aabot sa P675,000 halaga ng kush sa isang operation sa Malate, Manila.

Kinilala ang naaresto na si Yogesh Sahjwani Dave, 40, residente ng 75 Magallanes Ave.,Makati City.

Ikinasa ang operation sa 2532 Lenery Street, Unit 3C , Malate ng pinagsanib na puwersa ng PDEA R0 III-Bulacan, PDEA Bulacan, PDEA Manila DO, BOC at SDEU, na nagresulta ng pagkakaatesto ng suspek.

Nakumpiska sa suspek ang isang light green box na ipinadala mula sa Unit 18822 Iris CT Arlington, WA 98223 at nakapangalan sa suspek.

Naglalaman ito ng 15 plastic packs na may mahigit kumulang 500 gramo ng pinatuyong dahon ng kish

Kasong paglabag sa Section 4 ng Article ll ng RA 9165 ang inihahanda laban sa suspek na nakatakdang isalang sa inquest proceedings. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE