Default Thumbnail

Negosyante sa Paco, timbog sa ‘agri smuggling’

April 29, 2022 Jonjon Reyes 258 views

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang negosyante na sangkot umano sa “agricultural smuggling” sa Paco, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Divina Aguilar, 53, negosyante, at residente ng Residencias De Manila, Jesus St., Bgy. 830, Paco.

Base sa ulat ng MPD Station 10, bandang 4:00 p.m., Martes Abril 26 nang ipatupad ang pagdakip kay Aguilar.

Nahuli ang suspek sab isa ng warrant of arret na inisyu ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 32 Judge Thelma Bunyi Medina dahil sa kasong paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Ayon sa mga awtoridad, taong 2020 nang mabisto ang isang container van mula China na unang idineklara na mga “ukay-ukay” ang laman.

Pero nang isailalim ito sa “physical examination”, tumambad ang mga smuggled na carrots na nagkakahalaga ng higit sa P1 milyon.

Itinanggi umano ni Aguilar ang akusasyon at idinipensa na ginagamit lamang umano ng isang broker ang kaniyang pangalan sa iligal na gawain.

AUTHOR PROFILE