
NE cops’ fellowship naging romantic
CABANATUAN CITY–Buhay ang spirit ng Valentine’s Day sa fellowship ng Nueva Ecija police provincial office (NEPPO) dahil sa pagbibigay pugay ng hepe ng lalawigan sa kanyang mga tauhan.
Nasa okasyon si Dr. Simonette Germino, ang maybahay ni PCol. Ferdinand Germino, ang hepe ng pulisya ng Nueva Ecija.
Sinabi ni Germino na ang pagdalo ng kanyang asawa sumisimbolo ng kagalakan at inspirasyon, lalo na sa mga kababaihan, sa kanilang organisasyon.
Itinampok sa event ang mga parlor games, intermission number at dinner na nagbigay ng positibo at kaaya-ayang aura sa kapaligiran.
Highlight ng selebrasyon ang pamimigay ng bulaklak at regalo sa lahat ng police personnel na dumalo bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at pagsusumikap, ani Germino.