Francisco Pinangunahan ni MPD Director PBGEN. Leo “Paco” Francisco (kaliwa) ang arrival honors sa MPD para kay PMaj. Gen.Felipe Natividad, bagong NCRPO Chief. Kasama sa larawan si PCol. Levi Hope Basilio. Kuha ni JON-JON REYES

NCRPO Director Natividad bumisita sa MPD

March 18, 2022 Jonjon Reyes 195 views

NAGSAGAWA ng “arrival honors” ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) Headquarters sa pamumuno ni MPD Director Police Brigadier General Leo “Paco” Francisco sa pagdalaw ni Police Major General Felipe R. Natividad, ang bagong talagang National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Marso 18, 2022.

Kasama si PCol. Levi Hope Basilio, chief ng DIDM (Directorate for Investigation and Detective Management) MPD sa isinagawang arrival honors para kay PMaj. Gen. Natividad at kasabay nito ay agad na ipinakilala kay Natividad ang mga station commanders ng MPD mula kina PCol. Nicolas Salvador, DDA PCOL; Raul Tacaca DDO; PCol. Arnold Thomas Ibay ng CDDS; mga chiefs of staff at maging ang mga bumubuo ng MPD.

Nagsagawa din ng pag-inspeksyon sa mga bagong armas ng kapulisan ng Maynila sina sina Maj. Gen. Natividad, MPD Director PBGen. Francisco, PBGen. Jerry Bearis ng CRS, PBGen. Nicolas Torre II ng DRDO, at PBGen. Jon Arnaldo DRDA ng NCRPO.

Nagbigay din ng mahalagang mensahe ang bagong NCRPO chief sa mga kapulisan ng Maynila na umiwas sa mga maling Gawain tulad ng sugal, e-sabong, droga, at pagiging protektor sa mga criminal.

Patungkol naman sa mga kapulisan na may mga kaibigan sa pulitika ay hangga’t maaari ay dumistansya ang mga ito sa mga pulitiko at laging isaisip at isapuso ang kanilang trabaho bilang isang pulis at panatilihin ang magandang imahe ng PNP (Philippine National Police).

Ipapaubaya na lamang ni Maj. Gen. Natividad kay MPD Director PBGen. General Francisco ang tungkol sa kanilang oras ng trabaho kung ito ay gagawing walong oras na lamang ang kanilang duty upang hindi mapagod ang mga kapulisan kapag ipapatupad ang 12 na oras ng kanilang trabaho basta’t lagi lamang pumasok sa tamang oras ng kanilang duty.

Ayon pa kay Maj. Gen. Natividad, ipapatupad pa rin aniya ang pagsaway o paalala ng mga kapulisan sa mga mamamayan ang tamang pagsusuot ng face mask at umiwas sa mga kumpulan ng mga tao upang hindi lumala at dumami ang bilang ng COVID-19 kahit na nasa Alert Level 1 na ang buong NCR o Metro Manila.

Nagsagawa din ng parangal sa mga kapulisan ng MPD na pinangunahan ni Natividad tungkol sa mga magagandang accomplishment at operations kabilang sina PLt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng MPD Station 2, PMaj. Rommel Anicete ng CIS, PCol. Bong Aliño ng DIDM at iba pang mga opisyales ng MPD na nabigyan rin ng award habang inaseste ni Brig. Gen. Francisco. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE