NCRPO chief Hernia sa MPD: Salamat sa ligtas na Undas
PINASALAMATAN ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Sidney Hernia ang Manila Police District sa pagbabantay ng mga sementaryo noong Undas.
Ayon kay MPD PIO chief Police Major Philip Ines, magkasamang naglibot si Hernia sa mga sementeryo na nasasakupan ng Maynila kasama si MPD chief P/Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay.
Ininspeksyon nila ang mga command center sa bukana ng mga sementeryo kung saan na-monitor nila ang dami ng tao na pumasok pati ang paglabas ng mga tao na umabot sa mahigit 1 million.
Pinasalamatan din ng heneral ang mga NGOs at LGUs sa pakikipagtulungan sa mga pulis ng Maynila na naging malaking bagay sa pag-assist sa mga senior citizens, PWDs at mga buntis.
Umaasa si Hernia na mananatiling maayos at payapa ang sitwasyon sa bawat lungsod na kanyang nasasakupan.