Inton

NCAP ayusin muna bago ipatupad

October 20, 2021 Jun I. Legaspi 155 views

MARIING nanawagan ang iba’t ibang commuter at transport group sa mga local government units (LGUs) ayusin muna ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) bago ipatupad ng lubusan.

Sa ginawang press conference Wednesday sa Quezon City, sinabi ni Atty. Ariel Inton, ang pagsasamasama ng lahat ng mga transport group leader ay upang ipakita ang pagkadismaya ng lahat ng grupo (Truck, taxi, jeepneys, School Service, tricycle, motorcycle taxi, bus, tnvs, Van, angkas, at PISTON) sa ipinipilit na policy lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Inton narinig naman ng lahat ang pahayag ng bawat President ng mga grupo ang NCAP ay hindi solution sa traffic kundi pahirap sa lahat public man o private motorists.

“Una wala ito sa panahon, pangalawa hindi rin makatarungan ang taas ng penalty, wala din sa lugar ang sinasabi ng policy na ang operator ang dapat magbayad ng penalty hindi ang driver na siyang direct violator ng traffic”, saad ni Inton.

Ayon sa mga transport leader hindi ang NCAP ang sagot sa pagdisiplina sa traffic lalo na nga´t maraming mga traffic sign ang hindi maayos.

Reklamo din ng mga transport group leader hanggang ngayon inaabot pa rin ng 2 hanggang 3 buwan ang pagpapadala summon ng mga LGUs sa mga register owner kaya lalong lumalaki pa ang kanilang binabayaran dahil may interest pa ito.

Kasabay nito inireklamo din ng grupo ang patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel dahil halos sa diesel na lamang umano napupunta ang kinikita ng mga driver.

Nilinaw naman ng mga transport group na hindi sila salungat sa program ng mga LGUs ang gusto lang nila ay iayos muna itong mabuti bago ipatupad para sa kapakinabangan ng lahat lalo na sa sector ng public transportation.

Ayon sa grupo may ilang LGUs pa ang nagsasagawa na ng mga ordinance upang ipatupad din ang (NCAP) sa kanilang mga lugar.

AUTHOR PROFILE