
NBI sinunog P2.2M marijuana sa Ilocos Sur
SINUNOG ng mga National Bureau of Investigation-Laoag District Office (NBI-LADO) agents ang mahigit P2.2 milyon na halaga ng ready-to- harvest marijuana sa Brgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur kamakailan.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nadiskubre ang malawak na marijuana dahil sa intelligence report mula sa La Union, Ilocos Sur at Benguet areas.
Handa na umanong anihin at ipamahagi sa mga “customers” ang mga marijuana, ayon kay Atty. Dante B. Bonoan, makaraang maberipika ang impormasyon.
Inabot ng 9 at kalahating oras bago narating ng mga NBI agents ang Brgy. Licungan.