
NBI, PCG magtutulungan sa pagbabantay ng karagatan
PUMIRMA sa memorandum of agreement (MOA) noong Huwebes ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG) para palakasin ang ugnayan sa pagbabantay sa karagatan.
Pinangunahan nina NBI Director Atty. Medardo De Lemos at PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang paglagda sa MOA sa NBI headquarters sa Quezon City.
Ayon sa dalawang ahensya, nilalayon ng MOA na pagbutihin ang pagtutulungan para sa maritime safety ng bansa.
Ayon kay De Lemos, sa pamamagitan ng PCG matututo sila kung may mga assets at may iniimbestigahan magpapatulong sila sa coast guard.