Default Thumbnail

NBI papasok na sa kaso ng pagkamatay ng rent-a-car driver

August 15, 2021 Hector Lawas 362 views

PAPASOK na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon kaugnay sa pagkakapatay sa 28 anyos na rent-a-car driver driver sa diumano’y shootout sa Oas, Albay PNP.

Ito ay makaraang naglabas na ng memorandum order si Justice Secretary Menardo Guevarra na nag-atas kay Justice Undersecretary Adrian Sugay para sa pakikipag-ugnayan sa NBI.

Nauna dito ay lumihan kasi kay Guevarra si Mrs. Evelyn Bautista, ina ng biktimang si Jose Maria Arvin Samson Bautista na humiling na maimbestigahan ang insidente na naganap noong July 20, 2021.

Humiling ng imbestigasyon ang pamilya Bautista sa insidente dahil bukod sa isang tama ng bala sa kaliwang dibdib ay nakitaan din umano ng mga pasa, gasgas mula ulo hanggang puwet, palo sa likod ng ulo, bakas ng pagkakaposas o tali sa magkabilang kamay ang biktima.

Nabatid na si Bautista ay umalis sa Valenzuela City noong July 19 at ang paalam sa kanyang maybahay na si April ay may umarkila sa kanya patungo sa Quezon Province na one way trip lang dahil hindi na umano kasama pabalik sa Maynila ang dalawang pasahero.

Kinabukasan July 20 ay nakatanggap ng tawag sa cellphone si Mrs.Evelyn mula sa nagpakilalang pulis ng Oas Albay at sinabing kabilang ang kanyang anak sa napatay sa umano’y shootout.

AUTHOR PROFILE