Wala ng nagawa ang suspek sa statutory rape matapos arestuhin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation sa Koronadal City, South Cotabato.
NBI huli suspek sa rape ng 2 bata sa Koronadal
ARESTADO ng mga operatiba ng National Bureau Investigation-(NBI) Region 12 ang isang lalaki dahil sa kasong statutory rape sa Koronadal City, South Cotabato noong Martes.
Bitbit ang warrant of arrest, naaresto ang suspek na si alyas Walter/Burador ng San Roque, Koronadal City, South Cotabato.
Inakusahan at inireklamo ng magulang ng 10-anyos at 15-anyos na bata ang suspek na nakaranas sila ng pang-aabusong sekswal na ginawa ng akusado noong Setyembre 2024.
Kasalukuyang nasa custody ng NBI CEMRO sa Koronadal City ang suspek, ayon kay NBI Director Jaime Santiago.