PAF Source: File photo

Nawawalang PAF fighter jet natagpuan na, 2 piloto patay

March 5, 2025 Zaida I. Delos Reyes 174 views

NATAGPUAN na ang nawawalang FA-50 jet fighter ng Philippine Air Force (PAF) nitong Miyerkules sa Mt. Kalatungan Complex, Bukidnon.

Kinumpirma din ng PAF na kasamang natagpuan ang bangkay ng dalawang piloto sa lugar .

“The PAF FA-50 aircraft reported missing has been located by ground troops in the vicinity of the Mt. Kalatungan Complex, Bukidnon, today, March 5, 2025,” pahayag ng PAF.

Matatandaan na nawala ang fighter jet nitong Martes ng madaling araw habang nagsasagawa ng tactical night operation bilang suporta sa kanilang ground troops.

Ayon kay PAF spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, nawalan ng komunikasyon ang fighter jet bago pa man makarating sa kanilang target area.

Natagpuan ang kinaroroonan ng nawawalang fighter jet gayundin ang mga piloto sa pamamagitan ng signal mula sa personal locator beacons ng mga piloto.

Sa ngayon, grounded muna ang operasyon ng FA-50 fleet para bigyang daan ang ginagawang imbestigasyon at matukoy na rin kung ano ang tunay na sanhi ng pagbagsak ng fighter jet.