Cornejo

Nawawalang OFW sinunog, ibinaon

May 2, 2022 Gil Aman 576 views

Cornejo1

ISANG 40-anyos na dating Overseas Filipino Worker (OFW) ang iniulat na nawala noong Pebrero 9, 2022 matapos magtungo sa Alaminos, Laguna ang natagpuan na halos sunog ang buong katawan sa bayan ng Infanta sa Quezon.

Bukod dito, ang ulo ng biktima ay may indikasyon na binaril bago ibinaon sa lupa ng matagpuan noong Pebrero 22, taong kasalukuyan.

Nagtungo kahapon sa Police Regional Office IV (PROIV) Press Office sa Camp Vicente Lim si Rineta Cornejo na kapatid ng biktima upang umapela para sa hustisya ni Renalyn Fulgencio-Umali, na residente ng Purok 3 Baybayin, Los Baños,Laguna.

Si Renalyn Fulgencio-Umali ay umalis ng kanilang bahay na nakasuot ng 3/4 white blouse, cream na pants, at sandals.

Halos umabot ng mahigit isang buwan ang pagkawala ng biktima bago ito madiskubre na brutal na pinatay ng hindi pa nakikilalang suspek at nadarakip.

Mismong si Rineta na nagpapatunay na kapatid niya ang natagpuan dahil sa palatandaan sa ngipin bukod sa kasuotan nito.

Dagdag pa ng kapatid, Nagsagawa ang Infanta Police Station ng imbestigasyon subalit ang suspek ay nanatiling nakalalaya pa.

AUTHOR PROFILE