Vilma

‘Nasaan si Vi’ banners, nagkalat!

February 13, 2023 Jun Nardo 2626 views

NAKAKAKITA ng malalaking banner ang isa naming kaibigan na may nakalagay na, “Nasaan si Vi.” Si Vilma Santos kaya ang pinatutungkulan ng mga banner na ‘yon?

Sabi namin sa kaibigan, baka may kinalaman ang banner sa kanyang coming 60 showbiz anniversary special sa February 18 o ‘di kaya sa movie niyang gagawin.

Eh, dahil malapit na ang EDSA Revolution sa February 25, hinahanap si Ate Vi dahil nga nakagawa na siya noon ng movie na Sister Stella L, huh!

Baka naman may bagong pasabog si Ate Vi sa mga susunod na araw dahil balik-showbiz na siya at anibersaryo pa niya, huh!

Abangers, Vilmanians!

NAGBABALIK

NAGBABALIK ang matagal na natigil na Bakery Fair 2023 na gaganapin sa March 2-4 sa World Trade Center Manila.

Project ito ng Filipino-Chinese Bakery Association, Inc. president na si Gerik Chua at iba pang opisyal ng FCBAI.

Open ito daily mula 10 a.m. to 8 p.m. at invited ang lahat ng baking, pastry at food enthuasiasts.

Isa sa exciting events ng fair ay ang wedding cake competition kung saan ang mananalo ay mag-uuwi ng premyong P80,000.

Isa pang activity sa event ay ang Angel Cup-Bread display competition.

AUTHOR PROFILE