Himas rehas ang suspek matapos na mahulihan ng pen gun sa Sta. Cruz, Manila.
Napahamak dahil sa pen gun
HULI ng mga Manila Police District-Gandara police community precinct ang isang lalaki dahil sa pagdadala ng pen gun sa Tambakan St. kanto ng Tetuan St., Sta. Cruz, Manila noong Biyernes.
May pangalang alyas Raymond, 39, ang suspek.
Bago dinala sa presinto, isinailalim ang suspek sa medical examination at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Robert Mupas, tuloy-tuloy ang patrolling sa areas of responsibility nila gamit ang bike patrol.