Napabayaang mga toilets, escalators at basurahan sa mga malls

December 14, 2022 Allan L. Encarnacion 166 views

Allan EncarnacionKUNG kailan Christmas season, tsaka pumalpak ang serbisyo ng maraming pasilidad sa Trinoma sa` Vertis sa Quezon City.

Ang Trinoma ay pag-aari ng Ayala group of companies na nakilala sa episyenteng serbisyo anumang negosyo ang kanilang pasukin. Isa ako sa paboritong anak ng mga Ayala being Globe subscriber for almost 20 years at member ng Ayala Rewards Circle.

Ang Ayala Malls ang nagpasimula ng green concept sa mga department stores at walkable garden spaces sa kanilang mga itinatayong negosyo.

Maraming malls ang ginaya ang Ayala malls concept dahil komportable at konbinyente. Pero lately, napapabayaan na rin ang iba nilang malls gaya ng classy Vertis at Trinoma.

Maraming comfort rooms ang non-functional kaya kalunus-lunos na sitwasyon ang inaabot ng mga customers, lalo na ng mga senior citizens na nag-iikot pa kung saan-saan para makahanap ng mga gumaganang banyo.

Imagine, libu-libong metro-kuwadradong malls, tapos kahit saan ka pumunta sarado ang comfort rooms! Sobrang discomfort naman ata n’yan!

Bukod sa mga saradong toilet, maging ang mga escalators ay hindi gumagana kaya talagang hihikain ang mga matatanda nating kababayan nagsa-shopping.

Kung kailan pa naman dagsa ang mga tao ngayong holiday season, tsaka pa naman napabayaan ang mga amenities ng Trinoma at Vertis.

Kasama sa benepisyo ng pagpasok sa mga malls ang maayos na pasilidad.

Tito Jaime and Uncle Fernando Zobel de Ayala, paki-orient nga ang management ng Trinoma at Vertis!

***

Speaking of malls, kahit sa mga SM Malls marami ring non-functional toilets.

Hindi tamang magpapasok sila ng mga customers pero bahala na sila kung dispalinghado ang mga pasilidad.

Kung minsan, gusto kong turuan ng leksiyon ang mall management, plano kong umihi sa escalator or kahit saang sulok na lang ng malls na airconditioned para pumanghi ang paligid.

Isa ako sa mga taong maingat sa paggamit ng toilet kaya hindi ako kung saan-saang pader nagbabawas.

Dapat nga siguro as a sign of protest, tayong mga customers ay umihi na lamang sa pintuan ng mga saradong toilet nila o sa gilid ng mga restaurant para naman mapansin nila ang palpak na serbisyo.

Hindi ko alam kung mas mahirap bang mag-maintain ng toilet kaysa magpatayo ng mga higante malls!

HIndi ba puwedeng panghimasukan ng DTI at ng mga local governments ang mga ganitong problema para sa proteksiyon ng mga customers?

***

Ang isa pang problema ko sa halos lahat ng malls, maliban sa Powerplant Mall sa Rockwell, ay walang mga basurahan na mahagilap.

In fairness sa Rockwell, maayos lahat ng toilets, functional ang lahat ng escalators at kahit saan ka dumaan may basurahan.

Madalas, iyong bulsa ko napakaraming basura kapag nasa mga malls dahil nga wala kang makitang trash bin sa paligid.

Itong mga sinasabi natin ay basic instinct lang, hindi kailangang maging genius para maisip mong hindi dapat nagsasara ang mga toilets at dapat magalay ng accessible trash bin sa mga malls.

Kung hindi kaya ng mga present management na magbigay ng efficient services sa basurahan at toilet, aba’y puwede nyo akong kunin para ako na lang mag-supervise ng mga yan.

Medyo mahal lang ang asking salary ko kapag ginawa nyo akong toilet supervisor!

allanpunglo@gmail.com