Kulong

Nanuhol na drug suspek swak sa rehas

December 8, 2023 Melnie Ragasa-limena 179 views

BAGSAK sa rehas ang isang babae matapos suhulan ang mga pulis na nanghuli sa kaniyang live-in partner dahil sa pagbebenta umano ng shabu noong Biyernes sa Quezon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Richard James Gozum, 30 at Charlotte Garcia, 25, ng Compound 6, door 8 Mauban St., Brgy. Manresa, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PSMS Roberto Salisi, natimbog sa buy bust ng mga pulis dakong alas-12:30 ng madaling araw sa Sto. Domingo Avenue malapit sa Makaturing Street, Barangay Manresa, Quezon City ang mga suspek.

Sa pangungunq ni PBGen. Lex Ephraim Gurat ng QCPD- DDEU at PCpt. Deni Mari Pedrozo ng RDEU- NCRPO, unang naaresto si Gozum.

Habang isinasagawa ang inventory para sa suspek na si Gozum, dumating si Garcia at tinangkang suhulan si PCpl. Hesita ng P167,000 kapalit ng kalayaan ni Gozum.

Agad na pinosasan ng mga pulis si Garcia at dinala sa nasabing police station.

Nahaharap si Gozum sa kasong paglabag sa RA 9165 abang paglabag naman sa Article 212 (Corruption of Public Official) si Garcia.