Saksak Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan ang naarestong suspek sa pananaksak na positibong kinilala ng biktima. Kuha ni JONJON C. REYES

Nanigaw, tinadtad, kritikal

November 28, 2024 Jonjon Reyes 109 views

NANGANGALAKAL ang isang 46-anyos na lalaki nang buweltahan umano ang nanigaw sa kanya na 55-anyos na pedicab driver sa kahabaan ng Nicolas Zamora Street,Barangay 5,Tondo,Manila, Lunes ng umaga,

Kilala ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan, hepe ng MPD Moriones Police Station 2, ang biktima na si Diosdado Pabelonia,may asawa, pedicab driver, residente ng Sambahayan,Rawis,Chesa Street,Tondo at ang naarestong suspek na si Harlem Nitro,46, binata, ng Buco st,.Brgy 123, Tondo.

Base sa inisyal na inbestigation ng pulisya itinutulak umano ng suspek ang kanyang kariton nang ilapit niya ito sa biktima na noon ay nakasakay sa kanyang bisikleta.

Nagalit umano ang biktima at sumigaw ng “TABI KA DYAN, BAKA MABANGGA KITA.”

Nainis ang suspek sa kayabangan umano ng biktima kaya bumunot ito ng kutsilyo at sinaksak ng ilang beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang huli.

Nagawa pang makatakbo ang biktima mula sa suspek at makahingi ng tulong sa kaibigan nito na nagdala sa kanya sa ospital.

Agad na nagsagawa ng intel-driven follow-up operation ang mga operatiba at natunton ang suspek sa Morga St. corner Sta., Maria, Tondo.

Nabawi mula sa suspek ang patalim na tinatayang 6.5 pulgada ang haba.

Ang naarestong suspek ay iniharap nina PCpl Erickson Caisip at Pat Bryan Pabalan sa biktima.

Positibong kinilala ng biktima ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.

AUTHOR PROFILE