Default Thumbnail

Nangangalakal nahulihan ng sumpak sa Sta. Ana

November 24, 2022 Jonjon Reyes 311 views

HINDI na nagawang maitago ang isang improvised shotgun o mas kilala sa “sumpak” nang magsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD) sa Barangay 770 Zone 84 Sta. Ana, Maynila, gabi ng Nobyembre 22, 2022.

Ang binatang suspek ay residente ng Oro B Street, Sta. Ana.

Batay sa ulat ni PEMS Dedimo Alviar, team leader, kay P/Maj. Rommel Reyes Purisima, hepe ng DSOU ng MPD, dakong 6:10 ng gabi, nang mamataan ng mga operatiba ang suspek na may kahina-hinalang kilos habang nagsasagawa ng SACLEO sa buong area ng Sta. Ana.

Nang kanila itong lapitan at tanungin, dito na nadiskubre na may dala siyang sumpak at may isang bala ng kalibre 38 baril.

Dahil dito agad na inaresto at kakasuhan ang suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

AUTHOR PROFILE