Nang-swindle sa UE varsity player tinutugis

July 15, 2021 People's Tonight 163 views

TINUTUGIS ngayon ng pulisya ang swindler na nagpakilalang anak ng pulis na tumangay ng ibinebentang iPhone ng isang varsity player ng University of the East (UE) sa loob ng Camp Karingal sa Quezon City, nitong Miyerkules.

Ang biktima ay nakilalang si Kobe Martin Camacho, 33, may live-in partner, student/Varsity sa UE, at residente ng 1222 Session St., Barangay 679, Paco, Manila.

Pinaghahanap pa ang suspek na nakilalang Dyandra Coronel, nasa pagitan ng edad 30-35, may taas na 5”4’, red hair, naka-surgical mask at nakasuot ng blue long sleeve at blue maong pants.

Sa imbestigasyon ni PSSG Julius P Raz ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-4:20 p.m. (July 14) ng maganap ang insidente sa harapan ng Lagman’s Canteen na nasa loob ng Camp Karingal, Sikatuna Village, Barangay Botocan.

Una dito, nag-advertise sa Facebook App Market place si Camacho upang ibenta ang kaniyang iPhone Promax sa halagang P 53,000.

Nitong July 13, nakatanggap ng mensahe si Camacho sa kaniyang Facebook messenger account mula sa isang Li Shih Yu pero nagpakilalang Dyandra Coronel at sinabing interesado siyang bilhin ang iPhone nito.

Nagkipagkita si Camacho kasama ang live-in partner na si Eirra Parido sa suspek sa nasabing canteen sa loob ng Camp Karingal.

Nang dumating ang suspek ay hiningi nito ang iPhone ni Camacho upang suriin at pagkatapos ay nagpaalam upang ipakita umano sa kaniyang ama na isang pulis at nakatalaga sa loob ng Kampo.

Bumalik naman umano ang suspek at inutusan pa si Camacho na i-reset ang contents ng phone, hiningi ang cord, at nagmamadali muling umalis pagkatapos mangakong babalikan sila nito.

Pero lumipas na ang 40 minuto ay hindi na nagbalik pa ang suspek kaya nagdesisyon na ang varsity player na magreklamo sa mga awtoridad.

AUTHOR PROFILE