Arestado Ang arestadong suspek habang kinakausao ni Police Lt. Dennis Turla. Kuha ni JONJON REYES

‘Nanakot’ sa lamay, kinuyog, nadedo

December 4, 2022 Jonjon Reyes 3911 views

NAMATAY din habang inoobserbahan sa Mary Johnston Hospital ang isang kelot sanhi ng mga saksak na tinamo nito matapos umano ng “May papatayin ako ngayon” sa isang lamay, Manila sabado ng umaga.

Kinilala ang biktima ng mga awtoridad na si Mark Anthony Analupa, ng Liwayway Street ,Tondo.

Ang isa sa mga suspek na naaresto agad ay si Armando Silao Sr. 55 anyos, may asawa, ng Laurel Street, Brgy 116, Tondo. Ang anak nitong si Armando Jr. , ay nasa nasa Mary Johnston Hospital rin.

Isa pa umanong suspek na 57-anyos na kamag-anak ng mag ama ay nakatakas.

Base sa ulat ni Police Lt. Dennis Turla, hepe ng MPD- Homicide Section, pasado alas 7:30 a.m. nitong Sabado nang maganap ang insidente sa isang lamay sa Laurel Street.

Ayon kay Det. Raul Rojo, may hawak ng kaso , habang naglalaro ng pusoy ang magkakapitbahay nang magkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Analupa at Armando Sr..

Ayon kay Armando Sr., lumapit umano si Analupa na lasing at nanghahamon ng away. Ilang tambay ang umawat sa kanya. Ilang sandali ay bumalik umano ito at nanakot umano ng, “May papatayin ako ngayon.” Dahil dito ay pinalo umano ng suspek si Analupa ng mug sa ulo.

Naglabas umano ng patalim si Analupa at nakipagbuno dito si Armando Jr. Dahil sa agawan sa patalim ay parehong nasaksak ang dalawa.

Nadala pa si Analupa sa hospital subalit dakong 8:40 a.m. nang ideklarang patay ito ni Dr.Aldrich Pua.

“Hindi ko alam na may mga saksak na si Mark , at nakita ko rin un anak ko may tama ng saksak sa kamay,” ani Armando Sr. kay Police Lt.Turla habang nasa piitan ng Homicide Section.

Si Armando Jr. ay nagpapagaling sa hospital habang si Armando Sr ay isinailalim sa interegasyon ng pulisya.

AUTHOR PROFILE